Are you looking for a new job?

let us help! we will pick the best job for you!

Our employees

Simula ng matanggap ako sa pag-aapply ko sa "Perfect Jobs".. naging magaan ang trabaho ko. Dati akong production operator sa isang electronics factory at ito ang unang bes kong mag trabaho ng online kaya masasabi ko talagang "Ang Swerte Ko Naman.."

Nung una, nangangapa pa ako kasi wala talaga akong idea kung ano ang gagawin. Kailangan ko pa talaga ng time para mag adjust. Sabi sa job post nila, with or without experience daw kaya di ko talaga pinalampas! Instead, nagtiwala na lang ako sa kanila na iga-guide nila ako so hindi ako gaano nahirapan. Naniniwala din kasi ako na wala namang trabaho na magaan sa umpisa, lahat dumadaan sa hirap at napapag-aralan. Gusto ko din kasing matuto habang kumikita.

Mabaet at napakagaang katrabaho ng mga employers. May breaktime ka na, may day off ka pa. Wala pang ngang isang buwan ng aking sipag at tyaga, nag desisyon na sila na bigyan ako ng increase sa sahod..at hindi lang increase ha! Pati promotion! Kaya sobrang saya talaga kasi pati bonus nagbibigay din sila kaya hindi ka talaga talo. Sabi ko nga sa sarili ko, basta talaga may tyaga ka at mahal mo ang trabaho mo, hindi pwedeng hindi ka pagpapalain ni God. Nakakatuwa din silang katrabaho kasi hindi nila ipaparamdam sayo na employee ka lang. Lagi silang open sa mga suggestions at idea na pwede mong mai-contribute sa paglago ng company.

Sa ngayon, masaya at kuntento pa din akong nagtatrabaho kasama sila. Ang payo ko lang sa mga gaya kong naghahanap ng online job, wag kang susuko. Kung para sayo, para sayo. Pagpalain mo sila para pagpalain ka din nila. Ayaw mo ba nun? Kumikita ka na, nagsisilbi ka pang pagpapala sa iba

Cherrie

Supervisor

Bago ako magsimulang magtrabaho sa Perfect Job ay talaga namang kinakabahan ako, dahil wala akong experience sa online jobs. Kaya tinanong ko ang sarili ko, "Mag aapply ba ako o hindi?". Pero sa huli, nagdesisyon akong i-grab ang opportunity at nag umpisang magtrabaho.

Naging mahirap para sa akin ang unang araw ko. Kasi kailangan kong matutunan at maunawaan ang lahat ng salita at bagay na first kong narinig at nakita. Pangalawa, nahihirapan akong maghanap ng tamang prospect at client. Mabuti na lang at mababait ang mga staff. Talagang tinuruan nila ako, at ginuide nila ako simula sa una at hanggang sa magka-sunod sunod na nga ang sales ko.

Ang maganda dito ay kapag nakita nilang masipag at matyaga ka, madali kang aangat, mag grow at mag develop sa company. Kaya nagulat nalang ako nang i-offer sa akin ang posisyon ng pagiging Team Leader.

Noong una, natakot ako sa responsibilities pero napag-isip sabi ko 'why not'? Saka baka in that position lalo pa akong mag grow at mag develop. At alam ko naman na hindi ako pababayaan ng mga taong nagtiwala sa akin.

Sa ngayon isa na akong TL at marami pa din akong natututunan. At di ako
makapaniwala na natuto akong mag multitasking kaya masarap sa pakiramdam.Buti nalang din at marunung akong tumanggap ng constructive criticism. Dahil masasabi kong ayun talaga ang pinaka big factor kaya ko narating to. Pero syempre isa rin factor yun nakukuha ko sa akin mga mentors... 

Lourdes

Team Leader

Dati akong regular na empleyado nang sampung tao sa ilang mga kumpanya. Ngunit kailangan kong magresign sa trabaho dahil wala na kaming mahanap na mapagkakatiwalaang magbabantay sa aming mga anak habang ako at ang aking asawa ay nasa trabaho.

Habang lumalaki ang aming mga anak, ganoon din ang kanilang mga pangangailangan. Nagkaroon kami ng problema sa pera kung kaya ay naghanap ako ulit ng trabaho. Hindi ito naging madali dahil lampas na ang aking edad sa usual age requirement. Sinubukan ko ang ilang mga data entry online jobs ngunit hindi sapat ang aking kinikita.

Hanggang isang araw ay nakita ko ang Virtual Assistant job post ng Perfect Jobs at agad akong nag-apply. Napakalaking biyaya ang dumating sa akin noong ako ay natanggap dahil nabigyan ako ng pagkakataon upang makapagtrabaho ulit sa kabila ng aking edad. Masaya ako dahil sulit ang kinikita ko dito at sinusuklian kaagad ng bonus ang aking tiyaga at maayos na pagtratrabaho. Napakabait at napakamaunawain din ng mga employer. Higit sa lahat, dahil homebased ang trabaho, may sapat na oras ako para sa aking pamilya at natututukan ko pa rin ang aking mga anak 🙂

Vanessa

Team Leader

Mahirap talagang mag hanap ng online job. Kaya noong na hired ako dito sa "Perfect Job" hindi na ako nag dalawang isip pa lalo na sa panahon ngayon na marami talagang walang trabaho.

Nang mag simula ako dito wala talaga akong background sa sales and marketing. Pero tinulungan nila akong matutunan lahat, mahirap man sa simula pero kung kaya nila kaya ko din.

Mahirap para sa'kin ang makipag-usap sa tao lalo na kung hindi mo naman kilala, kaya kailangan talaga dito friendly ka. Umabot din ng mga ilang araw bago ako nakapag-produce ng sales pero hindi ako sumuko kaya matapos ng una kong sales, hindi na ako masyadong nahirapan..nag tuloy-tuloy na. Ang kailangan sa ganitong trabaho ay kumpyansa sa sarili at tiwala na kaya mo. Samahan mo din ng tiwala at pagmamahal sa company. Yun ang rason kung bakit ako nag tagal. Kung hindi mo man alam ano ang gagawin, isang message lang sa team leader at tutulungan ka agad. Idagdag mo pa ang mga Boss na hindi mahirap paki-usapan at napaka maunawain. Gawain mo lang ang part mo bilang isang empleyado at sila naman ang bahala na magpasaya sayo. Sigurado din na mabilis pagtaas ng sahod basta maayos at tama ang trabaho mo.

Kung may isang bagay man na itinuro ang Perfect Job sa akin, yun ay ang "Tomorrow is another day. New Beginning, New Story to Tell. So why give up?

Rex

Team Leader

About

Perfect Job Inc was founded in 2008
Our goal was to connect job seekers and employers while making sure that both sides held up to our standards in order to ensure a long term business relationship for both side
We evaluate every employer and based on the job requirements and benefits we are able to match up the right employees

Rewarding salary

We prioritize position that offers high salaries 

Advancement opportunities

Each job that we pick includes the option to be promoted

Long term employment

We focus on positions that will allow our employees stability

Work from home

Due to recent changes (COVID-19) we are now offering the opportunity to work remotely 

Meet new people

Expand your social circle and meet new and fun people

Challenge yourself

By challenging yourself you will be able to grow as an individual

Privacy

We respect your privacy and we will never misuse your personal information and data

Balance

We offer careers that allow you to balance your personal life and work by offering flexible schedule

Get in Touch

Send us your CV and we will get back to you as soon as humanly possible

Contact Details

  • Due to COVID-19 our call center is closed