Home

— SPACER —

Perfect Job is Proud to Offer

— SPACER —

  • Home based career
  • Long term employment
  • Rewarding salary
  • Advancement opportunities
  • Meeting fun and energetic new friends
  • Opportunity to learn new skills
— SPACER —

— SPACER —

Our Employees

— SPACER —

Simula ng matanggap ako sa pag-aapply ko sa “Perfect Jobs”.. naging magaan ang trabaho ko. Dati akong production operator sa isang electronics factory at ito ang unang bes kong mag trabaho ng online kaya masasabi ko talagang “Ang Swerte Ko Naman..” 

Nung una, nangangapa pa ako kasi wala talaga akong idea kung ano ang gagawin. Kailangan ko pa talaga ng time para mag adjust. Sabi sa job post nila, with or without experience daw kaya di ko talaga pinalampas! Instead, nagtiwala na lang ako sa kanila na iga-guide nila ako so hindi ako gaano nahirapan. Naniniwala din kasi ako na wala namang trabaho na magaan sa umpisa, lahat dumadaan sa hirap at napapag-aralan. Gusto ko din kasing matuto habang kumikita. 

Mabaet at napakagaang katrabaho ng mga employers. May breaktime ka na, may day off ka pa. Wala pang ngang isang buwan ng aking sipag at tyaga, nag desisyon na sila na bigyan ako ng increase sa sahod..at hindi lang increase ha! Pati promotion! Kaya sobrang saya talaga kasi pati bonus nagbibigay din sila kaya hindi ka talaga talo. Sabi ko nga sa sarili ko, basta talaga may tyaga ka at mahal mo ang trabaho mo, hindi pwedeng hindi ka pagpapalain ni God. Nakakatuwa din silang katrabaho kasi hindi nila ipaparamdam sayo na employee ka lang. Lagi silang open sa mga suggestions at idea na pwede mong mai-contribute sa paglago ng company. 

Sa ngayon, masaya at kuntento pa din akong nagtatrabaho kasama sila. Ang payo ko lang sa mga gaya kong naghahanap ng online job, wag kang susuko. Kung para sayo, para sayo. Pagpalain mo sila para pagpalain ka din nila. Ayaw mo ba nun? Kumikita ka na, nagsisilbi ka pang pagpapala sa iba

cherrie

cherrie
Supervisor

Bago ako magsimulang magtrabaho sa Perfect Job ay talaga namang kinakabahan ako, dahil wala akong experience sa online jobs. Kaya tinanong ko ang sarili ko, “Mag aapply ba ako o hindi?”. Pero sa huli, nagdesisyon akong i-grab ang opportunity at nag umpisang magtrabaho.

Naging mahirap para sa akin ang unang araw ko. Kasi kailangan kong matutunan at maunawaan ang lahat ng salita at bagay na first kong narinig at nakita. Pangalawa, nahihirapan akong maghanap ng tamang prospect at client. Mabuti na lang at mababait ang mga staff. Talagang tinuruan nila ako, at ginuide nila ako simula sa una at hanggang sa magka-sunod sunod na nga ang sales ko.

Ang maganda dito ay kapag nakita nilang masipag at matyaga ka, madali kang aangat, mag grow at mag develop sa company. Kaya nagulat nalang ako nang i-offer sa akin ang posisyon ng pagiging Team Leader.

Noong una, natakot ako sa responsibilities pero napag-isip sabi ko ‘why not’? Saka baka in that position lalo pa akong mag grow at mag develop. At alam ko naman na hindi ako pababayaan ng mga taong nagtiwala sa akin.

Sa ngayon isa na akong TL at marami pa din akong natututunan. At di ako
makapaniwala na natuto akong mag multitasking kaya masarap sa pakiramdam.Buti nalang din at marunung akong tumanggap ng constructive criticism. Dahil masasabi kong ayun talaga ang pinaka big factor kaya ko narating to. Pero syempre isa rin factor yun nakukuha ko sa akin mga mentors… 

Lourdes

Lourdes
Team Leader

Dati akong regular na empleyado nang sampung tao sa ilang mga kumpanya. Ngunit kailangan kong magresign sa trabaho dahil wala na kaming mahanap na mapagkakatiwalaang magbabantay sa aming mga anak habang ako at ang aking asawa ay nasa trabaho.

Habang lumalaki ang aming mga anak, ganoon din ang kanilang mga pangangailangan. Nagkaroon kami ng problema sa pera kung kaya ay naghanap ako ulit ng trabaho. Hindi ito naging madali dahil lampas na ang aking edad sa usual age requirement. Sinubukan ko ang ilang mga data entry online jobs ngunit hindi sapat ang aking kinikita.

Hanggang isang araw ay nakita ko ang Virtual Assistant job post ng Perfect Jobs at agad akong nag-apply. Napakalaking biyaya ang dumating sa akin noong ako ay natanggap dahil nabigyan ako ng pagkakataon upang makapagtrabaho ulit sa kabila ng aking edad. Masaya ako dahil sulit ang kinikita ko dito at sinusuklian kaagad ng bonus ang aking tiyaga at maayos na pagtratrabaho. Napakabait at napakamaunawain din ng mga employer. Higit sa lahat, dahil homebased ang trabaho, may sapat na oras ako para sa aking pamilya at natututukan ko pa rin ang aking mga anak 🙂

Vanessa

Vanessa
Team Leader

 

Mahirap talagang mag hanap ng online job. Kaya noong na hired ako dito sa “Perfect Job” hindi na ako nag dalawang isip pa lalo na sa panahon ngayon na marami talagang walang trabaho.

Nang mag simula ako dito wala talaga akong background sa sales and marketing. Pero tinulungan nila akong matutunan lahat, mahirap man sa simula pero kung kaya nila kaya ko din.

Mahirap para sa’kin ang makipag-usap sa tao lalo na kung hindi mo naman kilala, kaya kailangan talaga dito friendly ka. Umabot din ng mga ilang araw bago ako nakapag-produce ng sales pero hindi ako sumuko kaya matapos ng una kong sales, hindi na ako masyadong nahirapan..nag tuloy-tuloy na. Ang kailangan sa ganitong trabaho ay kumpyansa sa sarili at tiwala na kaya mo. Samahan mo din ng tiwala at pagmamahal sa company. Yun ang rason kung bakit ako nag tagal. Kung hindi mo man alam ano ang gagawin, isang message lang sa team leader at tutulungan ka agad. Idagdag mo pa ang mga Boss na hindi mahirap paki-usapan at napaka maunawain. Gawain mo lang ang part mo bilang isang empleyado at sila naman ang bahala na magpasaya sayo. Sigurado din na mabilis pagtaas ng sahod basta maayos at tama ang trabaho mo.

Kung may isang bagay man na itinuro ang Perfect Job sa akin, yun ay ang “Tomorrow is another day. New Beginning, New Story to Tell. So why give up?

Rex

Rex
Team Leader

Sa simula pa lang ay alam ko ng lehitimo ang pinasukan kong compnaya. I was interviewed through live chat. Alam ko na hindi lahat ng job offers sa internet ay totoo.

Sa kompanyang ito masasabi mong totoo ang job offer dahil you’re interviewed through live chat at kasali na doon ang live practical simulation. Pakatapos ng ilang weeks ay in-inform ako na naipasa ko ang interview at pinapirma ako ng kontrata (agreement) na mas lalong nakapagpatibay na ang trabahong ibibigay ay lehitimo.

Pero, bago ka isasabak sa trabaho, you will undergo training at screening again. Bibigyan ka ng handouts na pagaaralan mo tungkol sa trabaho at serbisyo na ipo-promote mo bilang virtual assistant. There will be guidelines and rules na sasauluhin mo at tatandaan.

Noon nag start ako I must admit na talagang nahirapan ako dahil it involves selling at I have no experience with it pero mabait ang aking mga employers at talagang ginuide nila ako at tinuro ang mga dapat kong gawin through comments and giving suggestion sa daily reports ko na masasabi ko na malaki ang naitulong para marating ko ngayon kung nasaan man ako, .. after 5 months of working with PERFECT JOB at last na promote ako as a Team Leader. Dahil dito masasabi ko na talagang mahal at pinapahalagaan ng mga boss namin ang effort at pagod na binibigay namin sa pagtratrabaho sa kompanyang ito .. Dahil sa pagtratrabaho din dito marami akong natutunan, natuto akong mag build ng rapport connection with other people sa ibat ibang culture, madami akong natututunan sa mga clients ko trabaho man o personal na aspeto. Dahil din dito sa job na ito natuto akong makinig at mag appreciate ng maliliit na bagay sa buhay na natututunan ko sa mga bawat clients na nakakausap ko..

Masasabi kong mayron akong isang importanteng bagay na natuklasan dito na para sa sarili ko, I thought kahinaan ko ang marketing at sales pero natuklasan ko na isa pala ito sa aking pinaka strength. Salamat sa Perfect Job, perfect perfect talaga ito for me!

YN

YN
Team Leader

“Perfect job” yes indeed it is!

Perfect talaga ang company na ito para sa mga naghahanap ng online job. Wala naman talagang trabaho na madali sa umpisa dahil lahat dapat pinaghihirapan. ”No pain No gain” pero sa totoo lang di naman talaga mahirap ang trabaho na ito kompara sa ibang trabaho dahil sa bahay ka lang naman magtatrabaho.

Napaka laking tulong talaga ng trabahong ito sa buhay ko. Nabibigay ko na din ang mga pangangailangan ng baby ko at ang mga gusto ko. Natutustusan ko din ang pang tuition fee ko sa school at may naiipon pa ako. Yes! I can do everything while earning. Pag umaga inaasikaso ko ang pamilya ko pati na din ang pag pasok ko sa school. At tuwing gabi naman ay trabaho.

Kaya nga ba inirerekomenda ko talaga sa lahat ang company na ito. Para na din sa mga naghahanap ng seryosong trabaho at maayos na sahod. Napakabaet din kasi ng mga co workers lalo na ang mga boss. Kaya ano pang hinihintay nyo? Be one of us!

KC

KC
Team Leader

Ang una kong naging karanasan sa online job ay isang scam. Na-scam kami ng employer namin. At dalawang buwang sahod ang di binigay sa amin kaya nagdadalawang isip na akong sumubok uli sa online jobs

Hanggang isang araw sinabihan ako ng kaibigan ko na may maganda ngang trabaho sa Perfect Job, legit na trabaho at on time ang sahod. Kaya sumubok akong muli.

May training sa umpisa kaya magagamay mo din ang mga gagawin. At di na ako muli pang nagsising magtrabaho online dahil sa Perfect Job. May pamiya na din ako at kailangan ng extra income para sa mga anak ko, at syempre kahit nasa bahay ka lang kumikita ka pa. Walang traffic at wala ng asikaso ng baon sa pagpasok mo. Working mom from the comfort of your home ika nga..  🙂

Kaya napakaswerte ko at napasok ako sa Perfect Job, perfect na trabaho para sa isang gaya kong naghahanap ng legit na trabaho online

Jurelyn
Team Leader

Perfect Job is Haven! Totoo yan, walang halong biro. Two weeks na akong nag-aaply online ng mga trabaho nuon, halos walang reply, hanggang nawalan na ako ng pag-asa, pero noong nakita ko itong ad ng perfect job na nagsasabing “With or Without Experience”, nakuha agad ang attention ko. Noong una ay alangan ako kasi halos lahat nang pinag applyan ko walang reply. Pero sabi ko noon sige lang, last na ito, hanggang sa sumagot nga sila at sobrang saya ko nuon, at hanggang naka pasok ako sa kompanya. Di ko akalaing mag tatagal ako dito, sobrang saya mag trabaho, sobrang bait ng mga boss, tutulungan ka nila, pati mga katrabaho mo ang sasaya. Noong first month ko nakakuha ako agad ng bonus, di ko akalain. Ang kailangan mo lang dito ay Motivation, willing kang magpaturo at may tyaga ka. With perfect job you’ll see the difference.

Riva

Riva

Sa perfect job lahat mababait. Yung mga boss approachable talaga. Akala ko nga di ako magtatagal dito eh. Akala ko lang pala.. lahat kasi andito na. Convenient at matipid di mo na kailangan umalis nang bahay so di magastos sa pamasahe, pagkain, damit. Nagpapasalamat talaga ako nakita ko tong trabaho na ‘to. Wala ka nang hahanapin pa. Hesitant din ako noong umpisa. Unang una sa sahod, sa kung ano ung task na gagawin, pero noong nasubukan na…Okay naman pala! You just need to work hard at matutumbasan din ng malaki ang sipag at effort mo. Magiging kuntento kayo talaga.

Anne

Anne

Sa loob ng isang taon na nag freelancing ako online, hindi ako nakatagpo ng stable full time job at puro one time project/job lang ang nakukuha ko. Pero dahil sa kabutihan ng Diyos, na-hire ako sa Perfect Job na hindi ko inenexpect na makukuha ako since never ko pa na-try mag-VA. I’m a single parent at naging sagot ito sa needs ko, namin ng pamilya ko. At first nagdududa ko kung kakayanin ko ba ang trabaho pero mali pala ako. Napakababait ng mga supervisors, mentors, team leaders pati mga co-members, napakadaling pakisamahan kaya hindi talaga ako nahirapan makipagsabayan sa mga nauna sakin. I thought hindi ako makakapagbenta pero mali na naman ako, dahil sa guidance and tips na binibigay nila naging madali ang pag-offer at pagclose ng deals. I will highly recommend this job sa mga friends and family, hindi mahirap ang trabaho basta kaya mong magtiyaga at marunong kang sumunod. 🙂

Cristine

Cristine

Sa Perfect Job, nagtatrabaho ka na may time ka pa sa pamilya mo at ang babait pa ng mga Boss! No doubt, perfect nga talaga dito! Sa Perfect Jobs ko lang naranasan ang mga considerations na di ko mararanasan sa outside job. Very considerate sila at understanding. Hindi ko din inexpect na ganun kabilis mag increase ang sahod at ang bonus! Hindi ko rin inisip na magtatagal ako dito at makakayanan ko ito, dahil nahirapan talaga ako nung una. Pero lahat sila, handang gumabay at sumuporta sayo sa lahat ng kailangan mong malaman. Sa maiksing panahon ay nakuha ko agad ang konsepto at sobrang minahal ko na ang trabaho na ito. Kaya sabi ko sa sarili ko na pagsisikapan ko pa at magtatagal ako dito! 🙂

Zhane

Zhane

“Working at the comfort of your own home”- ito ang pinakamagandang opportunity na naibigay ng Perfect Job sa akin, bukod sa pagiging housewife at mother sa aking mga kids, nabigyan ako ng pagkakataon na makapagtrabaho online at makatulong sa financial needs ng aming pamilya. Hindi ko kailangang iwan ang mga anak ko para lang makapagtrabaho, gumastos ng malaki sa pamasahe, mag suffer sa mahabang byahe, tumawid sa baha kung tag ulan, maglakad sa initan tuwing tag araw makarating lamang sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. Ito ang kagandahang dulot ng pagtatrabaho online mula sa kumpanyang “Perfect Job”. Perfect talaga dahil bukod sa napakaganda ng sahod at madalas ay may bonus pa, napakababait pa ng mga empleyado at syempre napaka generous ng mga Boss. Very considerate at talaga namang minomotivate nila ako para maging maganda at bihasa ako sa trabaho na ito. Pwede kang makipag usap directly to the Boss, at makikita mong super ang pag ‘value’ nila sa bawat ginagawa mo. This is definitely the best company dahil kahit hindi ka na mi-meet ng Boss mo personally, pinagkakatiwalaan ka nila. Salamat sa aking kaibigang Crachiel na naging daan para makapag apply ako sa Perfect Job Company last April. Thank you sa TL kong napakabait, napakagandang Ma’am at gwapong Sir namin! Kaya sa mga gustong magkaroon ng magandang trabaho online, this is the Perfect Job for you!!!

Crispy

Crispy

Mag thi-third year college na ako nung magdecide ako na tumigil na lang sa school kasi mag aaral na ang anak ko sa nursery. Hirap talaga ako mag apply online kasi wala pa akong experience sa mga online na trabaho. 1 month din sng inabot na lagi akong nag aapply online. Hanggang sa nakita ko yung job post ng perfect job na “No Experience Needed”. Doon na nakuha ang atensyon ko at hindi na ako nagdalawang isip pa na mag apply. Hanggang sa kinontak na nila ako at sa awa ng Diyos ay nakapasa ako. Oo, may kahirapan at may pressure din na mararamdaman pero hindi naman maiiwasan yun sa kahit anong trabaho diba? Pero kahit ganun, hindi naman sila nagkulang sa payo at tulong para mag improve kami. Kaya masasabi ko talaga na perfect talaga dito sa Perfect Job

Dha

Dha

Anim na buwan na din akong naghahanap at nagsusubok ng mga online jobs. Na-scam pa nga ako sa last employer ko. Kaya hindi nyo ‘ko masisisi kung maging hesitant ako nung nagsimula ako sa Perfect Job.

Madami nadin akong nasubukang trabaho at convenience wise ito talagang Perfect Job and pinaka okay. Hindi ko na kaylangan mag commute, yung tipong byahe palang pagod kana. Kahit saan pwede ako magwork basta may internet at laptop ka lang. Masasabi ko na worth it ito subukan lalo na sa naghahanap nang stable na trabaho.

Masaya akong maging parte nag Perfect Job. Kasi dito bukod sa mababait ang mga co-workers ko, mabait din mismo ang employer.. Dito ko naranasan na sumahod ng maganda ayon sa iyong resulta at kakayahan 🙂

Eunice

Eunice

Dati ang buhay ko ay puro lakwatsa lang, kain at tulog tapos gumala. Hanggang sa pumasok sa isip ko, na ganito na lang ba ako habang buhay? Puro gala ? Doon ko naisipan na mag work online.

Nagtanong ako sa mga kaibigan ko kung saan ba pwede maghanap ng work online at doon nya inirekomenda ang Perfect Job. Sinubukan kong mag apply kahit na wala akong experience sa sales. Luckily, nakapasa ako sa interview at nagtraining for 2 weeks, until now im still working and im so thankful na nakita ko ang Perfect Job. Napaka komportable magtrabaho dito kasi nga nasa bahay ka lang.

Sarap ng may trabaho at may sariling kita. Nabibili mo lahat ng gusto mo na di na umaasa sa mga magulang. Sipag at tyaga lang talaga ang kailangan dito

Chen

Chen

Sobrang thankful ako at nakapasok ako dito sa Perfect Job. Hindi alinlangan kung may experience ka o wala. Napaka-bait ng mga boss dahil sila mismo ang tutulong sayo pag may tanong ka o kailangan. Buntis ako nung nagapply ako dito pero kahit ganun, tinanggap nila ako nang walang alinlangan. Kaya napakalaking tulong ng Perfect Job para sa akin at sa pamilya ko 🙂

Sannylyn

Sannylyn

Nong una, medyo di ako panatag sa online work. Kasi sanay nga naman ako na sa 14 years ng buhay ko pagkatapos kong mgkolehiyo, ay nasa opisina ang trabaho ko. Noong pinakaunang araw ko, napatunayan ko na di naman pala. Magaan lang naman pala lalo na at kung focus ka talaga sa trabaho, madali na lang bawat araw nito. Ngayon nasa ika-5 buwan na ako sa Perfect Job,  at masasabi kong, nagkaroon ako ng saktong panahon para sa sarili ko at sa anak ko at nagagawa ko yong mga dapat kong gawin pagkatapos ng duty ko.

Ngpapasalamat talaga ako, kasi napakabait ng Boss ko at nakakaintindi sa mga pagkakamali at kakulangan ko bilang isang empleyado habang pinapraktis ‘kong maging maigi at magaling.  Isa pa sa mga nagustuhan ko ay bawat araw may natututunan ako. Salamat talaga ng marami sa Perfect Job at masasabi kong, di ako nagkamali sa pagpili ng kompanyang pagtatrabahuan ko

Nova

Nova

Hindi ko akalaiin na posible pala ang magtrabaho na kasama ang pamilya. Maraming mga work from home jobs pero sa dami ng komptensya, mahirap makapasok. Simula ng magkaron ako ng mga anak, naging mahirap na para sa akin ang magtrabaho sa opisina sapagkat maraming pangangailangan ang mga bata at mahirap maghanap ng yaya. Nung makita ko ang Perfect Job, nag-try akong mag-apply and luckily, pumasa ako sa interview. Wala akong masyadong hard core sales experience pero dahil sa training na ibinigay nila, marami akong natutunan. Wala na akong makikitang ganitong klase ng trabaho, kung saan masaya kasama ang mga team mates at wala kang issue sa boss mo. Saan ka nakakita na nagta-trabaho while on vacation? Ang saya diba? Ang Perfect Job, stand by its name, a job that is perfect

Ana

Ana

“Perfect job” ay literal na perfect job para sa akin. Since nagtrabaho ako sa call center for 3 years hindi na ako nagkaroon ng time para sa pamilya ko. Tulog at trabaho lang ang naging priority ko. Pero nagbago yun simula ng makapagtrabaho ako online. Pwede kang magbakasyon kasama ang pamilya kahit nagtarabaho ka. Dito ka lang din makakakita ng boss na mabait, makakausap mo ng diretso, at higit sa lahat ay very considerate. Ituturing ka nilang kapamilya. Puhunan mo lang ay tyaga at napakaayos naman din ng sahod.

Pinagpala talaga ako at nakahanap ako ng ganitong trabaho. Kaya payo ko sa mga gaya ko na naghahanap ng perfect na online job, ito ang company na perfect para sa inyo!

Nerissa

Nerissa
Team Leader

Ako nga pala si Mia Pagara. Sobrang happy po ako na naging parte ako ng Perfect Job. Ni refer sakin ang Perfect Job ng aking kaibigan na nagtatrabaho din dito. I grab the opportunity to apply kasi alam ko naman na legit ang company.

Noong unang araw ng trabaho, sobrang nakakakaba kasi wala akong experience sa online job pero hindi nila ako pinabayaan. Sa halip, sila and nag guide sa akin at nagturo kung pano gawin ng tama ang trabaho ko. Sobrang approachable din ng mga team leaders at supervisor. Wala ka talagang masasabi. Napakaganda dito sa Perfect Job kasi hangga’t nakikita nila na seryoso ka sa work mo at motivated ka talaga, hindi ka nila bibitawan.. Sila pa ang magbi-build up sayo para higit na mag improve ang skills mo.

Kaya naman sobrang nagpapasalamat talaga ako sa Perfect Job sa pagtanggap sakin! At alam ko na magkakasama pa kami ng mas matagal.

Miah

Miah

Nais kong pasalamatan ang Perfect Job sa lahat ng tagumpay na nakamit ko kasama sila. Alam ko na likas na sa ating mga Pilipino ang mausisa at sigurista, kaya sinulat ko ito para hikayatin ang ating mga kababayan na hindi lahat ng online job ay scam. Meron pa din pong mga taong tapat at professional sa trabaho. Kaya ipinagmamalaki kong sabihin na isa ako sa mga empleyado ng Perfect Job.

Mula nang nagtrabaho ako sa Perfect Job, hindi ako nakaranas ng kahit anong aberya o problema pagdating sa trabaho at kung sweldo man ang pag-uusapan. Sabi nga sa kasabihan, “Kung ano ang iyong itinanim, siyang aanihin”.

Kailanman, hindi ko masasabing nagkulang sakin ang Perfect Job. Kalimitan nga sobra-sobra pa sila mag bonus lalo na kapag magaling at pulido ang trabaho mo. Never din ako nakaranas na nahuli ang sahod, laging on time. Infact, tinatanong pa ako kung natanggap ko na ba, para masigurado din nilang hindi ako mamomroblema sa aking sahod. And the best part is, my client treats me professionally, at pinaparamdan din niya sa akin na isa akong kapamilya.

Hindi man ito ang una kong online job pero aaminin ko na dito ako nagtagal at naging kuntento. At sa totoo lang, alam kong mas lalo pa akong tatagal.

Cand

Cand

First time kong humanap ng trabaho sa internet. Noong una, wala talaga akong laptop at internet, pero napag usapan namin ng asawa ko na i-take lang namin yung risk makapaghanap lng ng trabahong online. Kaya nung nagkaroon na ko ng intenet at laptop, madali akong nag apply ng trabaho, at yung risk na tinake naming ay sobrang sulit talaga simula nung natanggap ako dito sa Perfect Jobs! Wala akong masyadong alam sa mga online jobs, pero napaka considerate ng mga kasama ko dito at ng boss dahil tinuturuan nila ako na mag improve.  Ang kailangan mo lang talaga eh yung willing ka na matuto at syempre yung may sipag at tiyaga!

Napaka generous din ng boss dahil nung first month ko pa lang dito, believe it or not, nag increase na yung sweldo ko! Meron din akong oras na makapag bonding kasama ang asawa at anak ko. Saan ka pa nga ba makakakita ng ganitong trabaho.  Talagang blessing sakin ang Perfect Jobs! Kaya alam ko na magtatagal ako dito. Perfect!

Alissa

Alissa

— SPACER —

— SPACER —

— SPACER —

Subscribe to our newsletter now!